BALANGA CITY, Ba-taan – Mas lalong pinaigting ng mga taga-suporta ni Bataan Governor Enrique “Tet” Garcia, ang pagtatanod sa loob at labas ng kapitolyo habang inaabangan ang temporary restraining Order (TRO) na ipalalabas ngayon ng Court of Appeal.
Ayon kay Danilo Isip, ba rangay councilman, hangga’t hindi iniuutos ni Governor Garcia na ihinto na nila ang paglalagay ng cyclone wire bilang barikada ay hindi nila aalisin ito.
Pinangako naman ni Governor Garcia noong Biyernes na payapa niyang isusuko ang kanyang puwesto sa araw ng Miyerkules kahit hindi man siya bigyan ng TRO ng Court of Appeal.
Base sa rekord, sina Garcia, at 8 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kabilang na ang vice governor ay kinasuhan ng katiwalian.
At kasong plunder laban kina Governor Garcia, Atty. Aurelio Angeles, Rodolfo de Mesa, city administrator ng Balanga; at si Emerlinda Talento, provincial treasurer, ay isinampa ng Ombudsman dahil sa sinasabing pagbebenta ng mga kagamitan ng isang pribadong kompanya.
Samantala, pansamantalang umaaktong gobernador si Vice Governor Serafin Roman na ang opisina ay nasa bayan ng Orani hangga’t hindi pa inaalis ng mga suporter ni Garcia ang barikada sa kapitolyo. (Jonie Capalaran)