^

Probinsiya

Taga-suporta ni Gov. Garcia, kapit-tuko

-

BALANGA CITY, Ba-taan – Mas lalong pinaig­ting ng mga taga-suporta ni Bataan Governor Enrique “Tet” Garcia, ang pagtata­nod sa loob at labas ng kapitolyo habang inaaba­ngan ang temporary restraining Order (TRO) na ipalalabas ngayon ng Court of Appeal.

Ayon kay Danilo Isip, ba­ rangay councilman, hang­ga’t hindi iniuutos ni Governor Garcia na ihinto na nila ang paglalagay ng cyclone wire bilang bari­kada ay hindi nila aalisin ito.

Pinangako naman ni Governor Garcia noong Biyernes na payapa niyang isusuko ang kanyang pu­westo sa araw ng Miyer­kules kahit hindi man siya bigyan ng TRO ng Court of Appeal.

Base sa rekord, sina Gar­cia, at 8 miyembro ng Sang­gu­niang Panlala­wi­gan ka­bilang na ang vice governor ay kinasuhan ng katiwalian.

At kasong plunder laban kina Governor Garcia, Atty. Aurelio Angeles, Rodolfo de Mesa, city administrator ng Balanga; at si Emerlinda Talento, provincial treasurer, ay isinampa ng Ombudsman dahil sa sinasa­bing pagbebenta ng mga kagamitan ng isang priba­dong kompanya.

Samantala, pansaman­talang umaaktong gober­na­dor si Vice Governor Serafin Roman na ang opi­sina ay nasa bayan ng Orani hang­ga’t hindi pa inaalis ng mga suporter ni Garcia ang bari­kada sa kapitolyo. (Jonie Capalaran)

 

AURELIO ANGELES

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE

COURT OF APPEAL

DANILO ISIP

EMERLINDA TALENTO

GARCIA

GOVERNOR GARCIA

JONIE CAPALARAN

SHY

VICE GOVERNOR SERAFIN ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with