Trader itinumba sa munisipyo
BATANGAS – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng ‘di-pa kilalang lalaking nakamotorsiklo sa harap ng munisipyo sa bayan ng San Jose, Batangas kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Christopher Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Pablito “Amboy” Sales ng Barangay Dagatan sa nabanggit na bayan. Base sa police report, naglalakad si Sales, kasama ang apat na kaibigan sa kahabaan ng Makalintal Avenue sa panulukan ng J.A. De Villa Street, Poblacion nang biglang hintuan at ratratin ng maskaradong lalaki bandang ala-una ng hapon. Napuruhan ng bala ng baril sa mukha, dibdib at likuran ang biktimang magbabaka bago tumakas ang gunman sa direksyon ng bayan ng Ibaan. Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang naging motibo ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending