3 naipit sa giyera, utas

Tatlong sibilyan kabilang  ang isang  5-anyos  na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang maipit sa bakbakan ng militar at ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa liblib na bahagi ng Brgy. Mudsing sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, kamakalawa. Kinilala ang nasawi na sina  Ali Mentang Penen, 35; Adtuka Dimaloloy, 32; at Tongan Dimaloloy, 5. Sa  inisyal na ulat ni P/Senior Supt Renante Cabico, hepe ng Midsayap PNP, lumitaw na bumisita lamang ang  mga biktima sa naturang lugar nang maipit sa bakbakan ng militar at grupo ni Kumander Kato. Joy Cantos

Show comments