Bata todas sa tahong
Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang 4-anyos na lalaki habang walong iba pa ang na-ospital makaraang malason sa kinaing tahong na pinaniwalaang kontaminado ng red tide sa bayan ng Polangui, Albay, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktimang naisugod pa sa Isip General Hospital ay nakilalang si Paulo Dolz, samantalang ang mga kapatid ni Paulo na sina Grace Ann, 9; Erlyn, 11; Angela, 2; Mike Errol, 3; John Alfred, 7, at ang mga magulang na sina Eden Dolz at Wilfredo Dolz ay patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Baloro, provincial police director na isinumite sa Camp Crame, na isang Tirso Aguilar ng Bgy. Lanigay, Polangui ay bumili ng tahong kay Eden Samorin sa Polangui Public Market, sa Brgy. Basud.
Napag-alamang idineliver ng isang nagngangalang JC mula sa Sorsogon City kung saan niluto ni Tirso ang tahong na binili at ibinigay sa kanilang kapitbahay na si Wilfredo Dolz na kinain ng buong pamilya nito pasado alas-6 ng gabi noong Huwebes.
Gayon pa man, kahapon ng madaling-araw ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang buong pamilya Dolz kung kaya’t isinugod sa nabanggit na ospital subalit namatay naman si Paulo habang ginagamot. Joy Cantos
- Latest
- Trending