Tsinoy trader nailigtas sa kidnaper

Ilang oras matapos na dukutin, nailigtas ng pu­lisya ang isang Tsinoy trader sa kamay ng mga armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front noong Hu­webes ng hapon sa bayan ng Upi, Shariff Kabunsuan.

Kinilala ni P/Supt. Es­mael Ali, ang biktimang si Wilfredo Chew ng Brgy. Poblacion Buro.

Si Chew at ang kanyang drayber na si Leo Bay­bayan ay kinidnap dakong alas-5:45 ng hapon sa Bisinidad ng Brgy. Mrab matapos mang­ga­ling sa Cotabato City pabalik sa Upi.

Ang pagdukot kay Chew ay naganap matapos na dukutin ng MILF ang may-ari ng malaking lupain na si Jesus Perfecto sa bayan ng Datu Odin Sinsuat noong Setyem­bre 8.

Si Perfecto ay pinalaya sa Cotabato City matapos mag­bigay ang kanyang pa­milya ng P.3 milyong hiningi ng grupo ni MILF Comman­der Rambo II.

May teorya ang pulisya na ang pagdukot kay Perfecto ay isang uri ng fund raising ng MILF para sa mga tropa nitong tinutugis ng militar sa Central Min­danao. Joy Cantos

Show comments