51 police trainees ginulpi sa kampo

Nasa balag ng ala­nga­ning masibak sa tungkulin ang ilang instructor at trainor sa 6th Regional Mobile Group headquarters maka­raang ireklamo ng 51 ba­gitong pulis na sumasailalim sa counter-insurgency training na dumanas ng matin­ding hazing sa Camp Ani­ceto Lacson sa Victorias City, Negros  Occidental, ayon sa ulat kahapon.   

Sa ulat ni P/Senior Supt. Remus Canieso, comman­der ng 6th Police Regional Mobile Group, karamihan sa mga police trainee ay nagka-hematoma sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ang iba pa ay nag­karoon ng depekto sa ka­lusugan ha­bang sumasa­ilalim sa pag­sasanay.

“This is not a normal practice of the PNP that is why we have laws against these practices, we are placing our instructors under investigation. In fact, they were already restricted to camp,” ayon sa opisyal.

Kasalukuyang hinihin­tay ang resulta ng medical test ng mga biktima mula sa Teresita  Jalandoni Memorial Hospital kung saan nagreklamo sa pahirap ng kanilang mga instructor hinggil sa kontrobersyal na hazing.

Napag-alamang Ilang trainee ay huminto na ma­tapos na mabalian ng mga buto sa grabeng pahirap na inaabot mula sa mga abu­sado at hindi makatao ni­lang mga instructor habang sumasailalim sa pagsasa­nay.

Sinasabing pinapalo sila ng PVC pipes at malala­king kahoy sa iba’t ibang parte ng katawan.

Magugunita na noong Oktubre 2008 ay nasawi sa routine exercise sa labas ng nasabing kampo si PO1 Tristan Lopez kung saan pinaiimbestigahan ni P/Chief Supt. Isagani Cue­vas.

Binigyang diin ni Cue­vas na sasampahan nila ng kasong kriminal  ang nasa­bing mga police instructor kapag mapatunayang may kapalpakan sa pagsasanay sa mga police trainee. Joy Cantos

Show comments