9 tiklo sa iligal na paputok

BOCAUE, Bulacan – Siyam-katao ang iniulat na inaresto ng pulisya makaraang makumpiskahan P.1 milyong halaga ng mga paputok na walang kaukulang dokumento kamakalawa sa magkakahiwalay na operasyons sa Bulacan. Kinilala ni P/Supt. Ronald De Jesus, hepe ng pulisya, ang mga suspek na sina Edmund Nicolas, Emil Nicolas, Ariel  Nieto, Michael Hidalgo na pawang residente ng Brgy. Tartaro, San Miguel, Bulacan; Limneo Dela Trinidad, Arnel Celso, Ronnie Sincero, Ronald Dela Trinidad at si Wilfredo Dela Rama. Ayon sa ulat, ang naunang walong suspek ay inaresto sa pagawaan ng patutok na pag-aari nina Juancho Cardenas at Margie Dela Trinidad sa Sitio Sulucan, Brgy. Duhat. Samantala, si Dela Rama, ay naaresto sa checkpoint na nag-iingat ng mga paputok na lulan ng kulay puting Besta van (UNF 142). (Dino Balabo)

Show comments