Palengke nasunog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Tinatayang P100 milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos na lamunin ng malakas na apoy ang Naga City Market na uma­bot ng 10 oras bago ito naapula kahapon ng umaga. Batay sa ulat, ang sunog ay nagsimula dakong alas-11:00 ng gabi kama­kalawa sa ikalawang palapag ng palengke na kung saan mabilis na kumalat ito hanggang sa inabot ang ilang bahagi ng ikatlong palapag.

Hindi pa mabatid ang pinagmulan ng sunog hanggang sa isinusulat ito. (Ed Casulla)

Show comments