Rookie cop tinodas ng kasamahan

Binaril habang natutulog ang isang bagitong pulis ng mismong kasamahan nito sa loob ng kanilang quarter sa Ba­ rangay Taway, Ipil, Zam­boanga Sibugay, ayon sa ulat kahapon.

Agad na nasawi sa insi­dente sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si PO1 Belmar Rasonable, 21-anyos.

Arestado naman ang suspek na si PO1 Roger Glen Velez, 25-anyos, na na­sam­sa­man rin ng isang cal. 45 Norinco pistol na may la­mang isang ma­gazine na naglalaman ng anim na bala.

Sa report ng Police Regio­nal Office 9, naganap ang insi­dente sa loob ng tinutu­lu­yang quarter sa nasabing lugar ma­lapit sa Integrated Bus Terminal dakong alas- 9:20 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kaniyang quarter nang biglang puma­sok ang suspect at bigla na lamang itong pagbabarilin sa hindi pa malamang dahilan. (Joy Cantos)

Show comments