Rookie cop tinodas ng kasamahan
Binaril habang natutulog ang isang bagitong pulis ng mismong kasamahan nito sa loob ng kanilang quarter sa Ba rangay Taway, Ipil, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat kahapon.
Agad na nasawi sa insidente sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si PO1 Belmar Rasonable, 21-anyos.
Arestado naman ang suspek na si PO1 Roger Glen Velez, 25-anyos, na nasamsaman rin ng isang cal. 45 Norinco pistol na may lamang isang magazine na naglalaman ng anim na bala.
Sa report ng Police Regional Office 9, naganap ang insidente sa loob ng tinutuluyang quarter sa nasabing lugar malapit sa Integrated Bus Terminal dakong alas- 9:20 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kaniyang quarter nang biglang pumasok ang suspect at bigla na lamang itong pagbabarilin sa hindi pa malamang dahilan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending