Bangka lumubog: 9 katao todas

ILOILO CITY— Isa na na­mang trahedya ang na­ganap kung saan siyam-katao ang iniulat na nasawi makaraang lumubog ng isang ferry boat na may lulang 30 hanggang 40 pa­sahero kahapon ng hapon sa karagatang sakop ng bayan ng Concepcion, Iloilo.

Ayon kay ex-Con­cep­cion Mayor Raul Banias na ngayon ay Presidential Assistant for Western Visa­yas, patuloy ang search and rescue operations sa mga pasahero ng MV Rolet, kung saan ito lumu­bog bandang alas-2:30 ng hapon may 200 metro ang layo sa baybaying dagat ng Sitio Ulpok sa maliit na isla ng Barangay Bagongon. Karamihan sa nawawala ay pawang mga bata at pansamantalang hindi mu­na isinapubliko ang mga pa­ngalan ng biktima hang­ga’t hindi pa naipapaabot sa kani-kanilang pamilya.

Ayon kay Rene Gaba­ye­ron, nagka­problema sa git­na ng dagat ang makina ng MV Rolet na pag-aari ni Ba­gongon Barangay Chair­man Espiridion Padrillan. Dito na sinalya ng malaking alon at hangin ang bangka saka tuluyang lumubog.

Nabatid na pinagba­wa­lan ng Coast Guard na na­kabase sa Iloilo na mag­layag ang lahat ng bangka bandang alas-10 ng uma­ga kahapon dahil sa storm signal #1 sa Western Vi­sayas. Ronilo Pamonag

Show comments