^

Probinsiya

Lumubog na lantsa, kolorum

-

Patung-patong na kasong kriminal ang kakaharapin ng may-ari at kapitan ng ferry na lumubog sa karagatan ng Dimasalang sa Masbate noong Martes na ikinasawi ng 42-katao habang  10 iba pa ang nawawala.

Ayon kay P/Senor Supt. Theodore Ruben Sindac, provincial police director, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple physical injuries at damage to property, ang maaaring isampa laban sa may-ari ng Don Dexter Cathlyn na si Jenny Zuniga at sa kapitan na si Dante Bombales.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, kolorum at walang clearance na naglayag ang nasabing ferry mula sa kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan.

Inamin ni Bombales na bagaman 119 lamang pasahero ang nakatala sa manifesto ay umaabot sa 150-katao ang sakay ng ferry kaya overloaded ng 31 pasahero.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Michelle Ramirez, Ritchinel Andaya, Nathaniel Andaya, Maricel Ornopia, Silvina Gabriel, Auria Pasas, Rosalie Atabay, Rosalina Atabay, Cresilda Atabay, Cizzia Atabay, Joy-joy Atabay, In-in Nueva, Grace Capellan, Larganie Capellan, Lean Capellan, Teresita Abejuela, John Paul Abejuela, Nenita Matos, Charlene Leastardo, Jimmy Banaag, Filipina Anman, Ana Nerbis, at si Consolacion Baybayon.

Magugunitang naganap ang trahedya  noong Martes  ng hapon habang patungo ng Bulan, Sorsogon mula sa pier ng  Dimasalang kung saan hinampas ng malakas na alon at hangin ang nasabing bangka. (Joy Cantos at Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANA NERBIS

AURIA PASAS

CHARLENE LEASTARDO

CIZZIA ATABAY

CONSOLACION BAYBAYON

CRESILDA ATABAY

DANTE BOMBALES

DIMASALANG

DON DEXTER CATHLYN

FILIPINA ANMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with