^

Probinsiya

Dalaga ni-rape ng ex-suitor

-

CEBU – Kakaibang insidente ng krimen ang naganap sa isang 19-anyos na dalaga na napagtripang holdapin at halayin ng dating manliligaw na lalaki noong Sabado ng madaling-araw sa Barangay Catarman sa bayan ng Lilaon, Cebu. Base sa ulat ng pulisya, pauwi na ang dalaga, kasama ang kasintahang si Paolo, 18, mula sa Halloween disco, nang harangin at holdapin ng dating manliligaw na si Freddie Sanchez, 25, ng Sitio Mahayahay, Catarman. Armado ng patalim ang suspek nang ipag-utos nitong maghubad ng damit ang magkasintahan at magtalik sa damuhan. Dahil sa takot ng magkasintahan sa suspek ay magkasabay na naghubad ng damit subalit hindi pumayag si Paolo na galawin ang babae. Dito nagalit at itinulak si Paolo palayo sa kanyang kasintahan habang nakaumang ang patalim ng suspek. Napag-alamang nakatiyempo na makatakas si Paolo at humingi ng saklolo sa mga awtoridad subalit nang madatnan ang kasintahang umiiyak sa damuhan ay naisagawa na ang maitim na balak ng suspek. Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Ramon Ortiz, naaresto naman ang suspek. Ferliza Contratista

vuukle comment

ARMADO

BARANGAY CATARMAN

CATARMAN

CEBU

DAHIL

FERLIZA CONTRATISTA

FREDDIE SANCHEZ

RAMON ORTIZ

SENIOR INSP

SITIO MAHAYAHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with