2 tinedyer tiklo sa droga

MALOLOS CITY – Da­lawang teenager na hinihi­nalang drug dealers ang dinakip ng pulisya sa bayan ng Pulilan kamakalawa dahil sa sumbong ng taong bayan.

Ang mga suspek ay naki­lalang sina James Prigo alyas “Bagyo,” 18-anyos, bi­nata, residente ng Banga 1st, Plaridel, Bulacan; at Reynald Sta. Ana, 19-anyos, binata, re­sidente ng Barangay Pal­tao, Pulilan.

Ayon kay Bulacan acting police director Senior Supt. Allen Bantolo, isang emple­yado ng Petron Gasoline station sa Barangay Cutcot, Pulilan ang tumawag sa pu­lisya ng nasabing bayan at iniulat ang kahina-hinalang kilos ng dalawang tinedyer na nagpakarga ng gasolina sa kanilang motorsiklo.

Pagdating ng mga pulis ay nakaalis na ang dalawang suspek patungong Plaridel kaya hinabol ang mga ito.

Inabutan naman ng mga pulis ang dalawang suspek sa Plaridel at positibong kinilala ito ng empleyado ng gasolinahan ng dalhin doon ng mga pulis.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang Kawasaki Bajah motorbike at pitong sachet ng hini­hinalang Methamphetamine tinatayang may street value na P3,500. (Dino Balabo)

Show comments