19 MILF todas sa encounter

Muli na namang nalagasan ng 19 na kawal ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang tatlo namang sundalo ng Phil. Army ang nasugatan makaraang sumiklab ang ma­dugong magkahiwalay na sagupaan sa bisperas ng Undas sa  bayan ng Maguindanao. Sa ulat ng spokesman ng Army’s 6th Infantry Division na si Col. Julieto Ando, nakasagupa ng tropa ng Army’s 64th at 68th Infantry Battalion ang grupo ni Kumander Kato sa liblib na bahagi ng Brgy. Tatapan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao. Nakasagupa rin  ng Army’s 75 Infantry Battalion, ang ibang grupo ng MILF sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano bago magtanghali. Bandang  alas-2 naman ng hapon ay sumiklab naman ang bakbakan matapos lusubin ng grupo ni Kumander Kato ang detachment ng 64th IB malapit sa Brgy. Tee. (Joy Cantos)

Show comments