^

Probinsiya

Sanggol todas sa choco-mela

- Joy Cantos -

Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang sanggol na lalaki makaraang tumirik ang mga mata at magkikisay dahil sa kinaing chocolate stick na sinasabing konta­minado ng melamine na gawa sa China sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.

Sa report na tinanggap ni P/Chief Supt. Jaime Milla, na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si David Hendric Espi­ritu, pitong buwang gulang at idineklarang patay ng mga tuminging doktor sa Agusan del Norte Provincial Hospital.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Elvie Lyn Es­piritu, 44, ng Barangay 3, Purok 16, binigyan niya ng chocolate stick na gawa sa China ang kaniyang anak dakong alas-10 ng umaga.

Gayon pa man, ilang minuto matapos kumain ng chocolate ay biglang nani­gas ang biktima matapos dumanas ng kombulsyon saka tumirik pa ang mga mata gayong wala namang karamdaman at masaya pa itong naglalaro bago naka­kain ng nasabing produkto ng China.

Dahil dito, ay kaagad na isinugod sa ospital ang biktima subali’t idineklara na itong patay.

Kasalukuyang sinusuri na ng Bureau of Food and Drugs ang nasabing sam­ple ng tsokolate upang tiyakin kung kontaminado ito ng melamine.

AGUSAN

BUTUAN CITY

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DAHIL

DAVID HENDRIC ESPI

ELVIE LYN ES

GAYON

JAIME MILLA

NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with