^

Probinsiya

Rice trader nilikida

-

Binaril at napatay ang isang rice trader ng mga di-pa ki­la­lang kalalakihan na ikinasugat naman ng kanyang kaibigan sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan na tumagos sa dibdib ang biktimang si Dixon Chiu ng B.S. Aquino Drive sa naturang lungsod. Nasugatan din sa insidente ang kaibi­gan nito na si Antonio Colmenares at ang isang alyas Ricky. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, dala­wang armadong kala­lakihan ang pumasok sa bodega ng bigas ni Chiu bago isinagawa ang pa­ma­maslang. Tumakas ang mga killer lulan ng asul na mo­torsiklo tangay ang bag ng negosyante na naglalaman ng hindi pa madeterminang halaga. Joy Cantos

11 katao sugatan sa sakuna

Labing-isa katao na sinasabing maghahakot ng bigas sa bodega ng National Food Authority para ipamahagi ang iniulat na nasugatan makaraang mawalan ng kontrol at su­malpok sa konkretong pader sa gilid ng kalsada ang sa­sakyang pag-aari ng gobyerno sa Brgy. Bunguiao, Zam­boanga City, kahapon ng umaga. Sa police report na na­karating sa Camp Crame, kabilang sa mga sugatan ay ang driver ng multicab na si Konsehal Jovito Tabuena ng Brgy. Dulian. Bukod kay Tabuena, sugatan din ang mga miyembro ng barangay intelligence network at isang guro. Joy Cantos

Hepe ng CSU itinumba

Napaslang ang isang retiradong opisyal ng pulis makaraang ratratin ng di-pa kilalang lalaki sa harapan ng kanyang bahay sa Llemente Village sa Sitio Madang, Barangay Central sa Mati City, Davao Oriental kama­kalawa. Ang biktimang hepe ng Civil Security Unit sa Mati City Hall ay nakilalang si ret. Chief Insp. Heminio Bagay. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-8 ng umaga nang pagbabarilin ang biktima na pina­niniwalaang may kinalaman sa kanyang trabaho sa city hall. Joy Cantos

Chopper sa Bataan binasbasan

BALANGA CITY, Bataan – Dumating na kahapon sa Camp Tolentino PNP headquarterss ang helicopter na binili ng provincial government para panlaban sa illegal fishing at logging sa Bataan. Pinangunahan ni Bishop Socrates Villegas, ang pagbabasbas sa 4 seater helicopter Raven 2 RP-C5148 kasama sina Bataan Governor Enrique “Tet” Garcia, Balanga City Mayor Joet Garcia, Pilar Mayor Charlie Pizarro, iba pang mayor at ilang bokal. Sinabi ni Governor Garcia na ang halaga na nasabing helicopter ay umaabot sa P21.5 milyon na anya’y ito na ang pinakamura at pinakamabili sa buong mundo. Puwede ring gamitin ng ibang sektor ang nasabing helicopter na rerentahan ng P35,000 sa pamahalaang panlalawigan. Jonie Capalaran

ANTONIO COLMENARES

BACOLOD CITY

BALANGA CITY MAYOR JOET GARCIA

BARANGAY CENTRAL

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE

BISHOP SOCRATES VILLEGAS

BRGY

CAMP CRAME

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with