^

Probinsiya

Kinidnap na peace volunteer, pinalaya

-

Pinalaya na rin kahapon ng madaling-araw ang isa sa dalawang kinidnap ng gru­pong Abu Sayyaf mata­pos ang 46-araw na pagka­kabi­hag ng mga ban­didong Abu Say­yaf sa Basilan.

Kinilala ang pinalayang bi­ hag na si Esperancita Hu­pi­da, program director  ng Nag­dilaab Foundation In­corp. at mi­yembro ng Uni­ted Chil­dren’s Christian Fund.

Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, si Hupida ay pinalaya sa bisini­dad ng Sitio Limbo Kassa sa Brgy. Magkawa, Al Barka, Basilan  at iti­nurn­over kay Basilan Vice Governor Al Rasheed Sa­kalahul, pinuno ng Crisis Management Com­mittee.

Gayon pa man, tumang­gi naman si Sakalahul na kum­pirmahin kung nagba­yad ng ransom  o di kaya naman ay board and lodging ang pa­milya ni Hupida sa grupo nina Abu Sayyaf Commanders Nurhasan Jamiri at  Furuji Indama .

Nauna nang nagbanta ang mga bandido na pupu­tulan ng daliri si Hupida kapag nabigo ang asawa nitong si Nestor Hu­pida na ibigay ang P7 milyon ransom kapalit ng ka­layaan nito.

Nananatili pa ring bihag ng mga bandido ang isa pang aid worker na si Millet Mendoza ng Quezon City. Joy Cantos

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDERS NURHASAN JAMIRI

AL BARKA

BASILAN

BASILAN VICE GOVERNOR AL RASHEED SA

CAMP AGUINALDO

HUPIDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with