2 todas sa payroll rob

STA. MARIA, Bulacan – Dalawa-katao kabilang ang isa sa tatlong holdaper ang iniulat na napaslang sa naganap na payroll robbery sa bahagi ng Brgy. Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Marcos Rivero, ang mga napatay na si Allan Hilis, 25, superbisor ng Fabri-Kote Inc., sa Brgy. Guyong at ang sinasabing isa sa mga suspek sa holdap na si Eligeorge Sisa, 28, ng Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon sa pulisya, nag-withdraw ng P271,000 payroll ang mga kawani ng Fabri-Kote Inc., na sina Hilis at kasamang si Rafael Abino sa sangay ng Metro Bank bandang alas-10:40.

Pa­balik na ang dalawa sa kanilang tang­gapan sakay ng Toyota Corolla (TSX 176) nang ha­rangin ng tatlong armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa highway ng Sta. Maria sa Brgy. Sta. Clara.

Kaagad na binaril at napatay si Hilis saka nagdeklara ng holdap ang grupo ni Sisa. Naga­wang matangay ang malaking halaga bago namatay sa follow-up operation ng pulisya si Sisa sa bahagi ng Brgy. Guyong. (Dino Balabo)

Show comments