^

Probinsiya

Tinyente nanapak ng sarhento, tinodas

-

Dahilan sa kahihiyan ma­tapos na sitahin sa pagka­ka­mali at sapakin pa sa ha­rapan ng mga kasamahang sundalo, isang tinyente ng Phil. Army ang pinagbabaril at napatay ng isang sar­hento habang isa pa nitong opisyal ang nasugatan sa badminton court  ng military detachment sa bayan ng Placer, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Miranda Hospital si 2nd Lt. Albert Amat, habang gina­gamot ang isa pang batang opisyal  na si 2nd Lt. Joe Patrick Martinez. 

Nahaharap naman sa kasong kriminal si T/Sergeant  Neptael Maglangit ng Army’s 30th Infantry Battalion sa ilalim ng 4th Infantry Division.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang insidente  sa badminton court ng 30th Infantry Battalion sa Brgy. Sta.Cruz sa bayan ng Placer ban­dang alas-9 ng gabi. 

Napag-alamang tina­wag ni Amat si Maglangit  saka sinita sa nagawang pagka­kamali sa harapan mismo ng nakalinyang mga sundalo.

Sinagot ng pabalang ng suspek si Amat kaya na­galit ang opisyal at sapakin ito kung saan pagtalikod ng opisyal ay ilang putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Duguang bumagsak si Amat habang sugatan rin ang kasamahan nitong opisyal na si Martinez.

Kaugnay nito, isinaila­lim na sa paraffin test ang mga sundalo ng 30th Infantry Battalion maging ang kani-kanilang armas ay su­ma­ilalaim sa ballistic test. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALBERT AMAT

AMAT

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOE PATRICK MARTINEZ

JOY CANTOS

MAGLANGIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with