TAGAYTAY CITY, Cavite - Pito-katao ang iniulat na humabol pa ng Undas habang 15 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang pampasaherong jeepney sa bahagi ng Tagaytay City, Cavite kahapon ng hapon.
Kabilang sa mga biktimang namatay ay sina Fidel Tizon, Christopher Tizon, Rosita Dimayuga, Eufronicia Malabanan, Imelda Tizon, Margarita Llave, at si Geraldo Dimayuga, samantalang aabot naman sa15-katao kabilang na ang limang bata ang nasugatan na ginagamot ngayon sa Ospital ng Tagaytay.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. William Segun, hepe ngTagaytay City PNP, naitala ang sakuna dakong ala-1:45 ng hapon sa matarik na kalsadang sinasabing pinu pugaran ng engkanto.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol at bumigay ang preno ng jeepney na minamaneho ni Bonifacio Ortilla kaya dumausdos at nagtuluy-tuloy na bumulusok sa may 300 metrong lalim na bangin sakop ng Sitio Labac sa Barangay Sungay sa nabanggit na lungsod.
Napag-alamang marami ang pasahero ang lulan ng jeepney at habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang search and rescue operation ng pulisya at mga kagawad ng Bureau of Fire Protection. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)