^

Probinsiya

1st Rahugan Fest matagumpay

-

CAMARINES NOR­ TE – Matagumpay na naidaos ang pagdiriwang ng kauna-unahang Rahu­gan Festival sa bayan ng Basud makaraang dag­sain ng  Libu libong resi­dente buhat sa mga ka­ratig lalawigan ng Cama­rines Norte kasabay ng ika-99 na pagkakatatag ng nasabing bayan.

Pangunahing nasak­sihan ang parade, drum and Lyre Corps competition, street dancing na ni­lahukan ng 29-barangay at ang pagandahan ng hitsura ng alagang kala­baw. Kabilang din dito ang pagdaraos ng Mutya ng Basud, Laro ng Lahi at ang gabi ng parangal sa mga Lolo at Lola.

Pinangunahan ni Ma­yor Silverio G. Quiño­nes lll, ang makulay na Rahu­gan Festival na may te­mang “Rahugan: Sama- sama, Ipakilala, Basu­denong Yaman at Kultura” na nagsimula noong Ok­tu­bre 18 hanggang Oktu­bre 24 at isinabay ang ka­pistahan ng kanilang patron St. Raphael the Archangel.

Ang salitang Rahugan ay hinango sa rahug o tang­kay ng niyog at naki­lala ang bayan ng Basud sa pagiging magaling sa pagluluto ng gata katulad ng paggawa ng Bukayo, Lunok, Lukad at Bunut at bilang Buko King.

Katuwang ng alkalde sa mga pagdiriwang ang pamunuan ng National Commission on Culture Arts, SB member, LGU Ba­sud at mga barangay officials.  (Francis Elevado)

BASUD

BUKO KING

CULTURE ARTS

FRANCIS ELEVADO

LYRE CORPS

NATIONAL COMMISSION

RAHU

RAHUGAN

SHY

SILVERIO G

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with