Shabu lab uli ni-raid
LEGAZPI CITY, Albay – Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng malaking sindikato ng bawal na gamot ang naaresto makaraang isa na namang bodega na ginawang shabu laboratory ang sinalakay ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa bisinidad ng Aurora Bldg. sa Purok 6, Barangay Barriada, Legazpi City, Albay. Pormal na iniimbestigahan ng pulisya ang mga suspek na sina Jing Yong Sung, Taiwanese; Noli Reyes, Ricky Tan at Robert Reyes. Ayon kay P/Senior Supt. Joel Baloro, ni-raid ang nasabing lugar sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Mamerto Buban ng Tabaco City Regional Trial Court. Nakumpiska ang 3 kilong kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu, at ilan pang mga gamit. May teorya ang mga awtoridad na may kaugnayan ang nasabing lugar sa apartment na ginawang shabu lab na sinalakay rin ng pulisya sa Brgy. San Juan sa Iriga City noong nakalipas na araw. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending