P1.26M natangay sa turista sa resort

Nadungisan na na­­man ang turismo ng bansa makaraang ma­tangayan ng P1.26 milyong cash sa iba’t-ibang donasyon ang isang turistang Swiss national mula sa inu­upahan nitong silid sa pamosong Panglao Island resort sa Bohol, kamakalawa.

Batay sa police report na isinumite sa Camp Crame, nadis­kubre ni Felix Sutter, 48, ang insi­dente da­kong alas-8:40 ng gabi mata­pos itong bumalik sa kani­yang inuupa­hang silid sa Aloha Gar­den Resort sa Brgy. Tawala, Pang­ lao Island.

Kabilang sa mga ninakaw kay Sutter ay ang mga doku­mento para sa imi­grasyon, alien employment, at ang American Express card.

Samantala, nawa­wala rin ang $20,000, P250,000, 800 Swiss Francs; at 200 euros na nakalagay sa loob ng kanyang taguang aluminum.

Kasalukuyan nang iniimbesti­ ga­han ang anggulong inside job ang na­ganap na naka­wan. (Joy Cantos)

Show comments