Nakipagkalas sa syota, ari pinutol
Tuluyang naglaho ang kaligayahan ng isang 21-an yos na binata na pinaniniwalaang kinalasan ng kanyang syota makaraang putulin nito ang kaniyang ari sa bayan ng Sultan Kudarat, Shariff Kabunsuan kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na police report na nakarating sa Camp Crame, ang biktimang itinago sa pangalang “Alexander” ay kasalukuyang nasa Cota bato Regional and Medical Center.
Pasado alas-8 ng gabi noong Linggo nang dalhin ang biktima sa nasabing pa gamutan dahil natigmak ng dugo ang pang-ibabang saplot sa katawan bunga ng insidente.
Sa salaysay ng pamilya sa pulisya, bago maganap ang insidente ay napansin nilang malungkot na umuwi ang binata galing sa pagbisita sa kaniyang girlfriend na posibleng nakipagkalas.
Tuluy-tuloy na pumasok ang binata sa kaniyang kuwarto at ilang saglit pa ay bigla itong umatungal sa sakit at humihingi ng saklolo.
Nang pasukin ng kaniyang mga kasambahay ang silid nito ay laking gulat nila nang makitang hawak pa nito ang duguang matalim na kutsilyo at ang bahagi ng naputol nitong ari.
Gayon pa man, sa sobrang pagkataranta ng pamilya ay nabigo nang maibalik ang naputol na bahagi ng ari na naiwan ng mga nagdala sa kaniya sa pagamutan sa kaniyang kuwarto. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending