^

Probinsiya

Nakipagkalas sa syota, ari pinutol

-

Tuluyang naglaho ang kaligayahan ng isang 21-an­ yos na binata na pina­niniwa­laang kinalasan ng kanyang syota makaraang putulin nito ang kaniyang ari sa bayan ng Sultan Kudarat, Shariff Kabun­suan kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na police report na nakarating sa Camp Cra­me, ang bikti­mang itinago sa pangalang “Alexander” ay kasaluku­yang nasa Cota­ bato Regional and Medical Center.

Pasado alas-8 ng gabi noong Linggo nang dalhin ang biktima sa nasa­bing pa­ gamutan dahil na­tigmak ng dugo ang pang-ibabang saplot sa katawan bunga ng insi­dente.

Sa salaysay ng pamilya sa pulisya, bago maganap ang in­sidente ay napansin nilang ma­lungkot na umuwi ang bi­na­ta galing sa pag­bisita sa ka­niyang girlfriend na posibleng nakipagkalas.

Tuluy-tuloy na pumasok ang binata sa kaniyang ku­warto at ilang saglit pa ay bigla itong umatungal sa sakit at humihingi ng sak­lolo.

Nang pasukin ng ka­niyang mga kasambahay ang silid nito ay laking gulat nila nang ma­kitang hawak pa nito ang du­guang ma­ta­lim na kutsilyo at ang bahagi ng naputol nitong ari.

Gayon pa man, sa so­brang pagkataranta ng pamilya ay nabigo nang maibalik ang na­putol na bahagi ng ari na na­iwan ng mga nagdala sa ka­niya sa pagamutan sa kani­yang kuwarto. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRA

COTA

GAYON

JOY CANTOS

LINGGO

NANG

REGIONAL AND MEDICAL CENTER

SHARIFF KABUN

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with