SAN NICOLAS, Pangasinan – Nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang mestisahing kindergarten teacher na tinangkang halayin saka giniltan ng ‘di-pa kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay Poblacion East sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan noong Linggo ng hapon.
Sa ulat ni P/Senior Insp. Mike Daskeo, town police chief, nag-iisang naglalakad ang biktimang si Daisy Mejia, 20, nang harangin at tangkang halayin ng ‘di-pa kilalang lalaki.
Pumalag at nagsisigaw ang biktima kaya ginilitan ang biktima saka pinagpapalo ng kahoy sa mukha bago iniwang duguang sa pag-aakalang napatay siya.
Nailigtas at nadala naman ang biktima matapos mamataan ng isang residente na napadako sa nasabing lugar.
Ayon kay Daskeo, nasa ligtas na kalagayan na ang biktima sa Dagupan City at kasalukuyang ipinakikita sa biktima ang ilang larawan ng mga magsasaka na posibleng suspek sa krimen. (Eva Visperas)