Ina pinugutan ng anak

Karit ni kamatayan ang na­ ging kapalit ng pagkabu­nga­ngera ng isang 85-anyos na ina makaraang pugutan ng ulo ng kanyang anak na lango sa alak sa loob ng kanilang ta­ha­nan sa bayan ng San Quintin, Pangasinan, ayon sa ulat ka­hapon.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang sus­pek na si Dominador Nolia, 53, dating Scout Ranger ng Philippine Army.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, na­ganap ang brutal na krimen sa loob mismo ng bahay ng mag-ina sa nabanggit na bayan kung saan kalimitang umuuwi ng madaling-araw na lango sa alak ang sus­pek.

Napag-alamang napun­di na ang matanda sa kan­yang anak kaya nang umu­wi ng madaling-araw ay pi­nagalitan at sinermunan nito subalit ani­mo’y sina­pian ng masa­mang espiritu kaya nakapag­salita ng ma­aanghang na salita, base na rin sa pagkakarinig ng mga ka­pitbahay.

Hindi pa nasiyahan sa pag­mumura, kinuha ang ma­talim na itak at pinu­gutan ng ulo ang sariling ina saka su­muko sa himpi­lan ng pulisya na bitbit pa ang duguang ulo.

Sa presinto ng pulisya, ina­min naman ni Domina­dor ang krimen at sinabing nag­di­lim la­mang ang kan­yang paningin dahil sa wa­lang tigil na pag­bu­bu­nga­nga ng kanyang ina.

Show comments