Puri kapalit ng passing grades
OBANDO, Bulacan – Isang 31-anyos na guro sa Obando National High School sa bayang ito ang inaresto ng pulisya kamakalawa ng gabi dahil sa apat na beses na panggagahasa niya sa isa niyang estudyanteng babae.
Kinilala ni Insp. Dale Soliba, Hepe ng Obando Police, ang suspek na si Macarthur Narit, 31, may-asawa.
Nagharap ng reklamo laban kay Narit ang isa niyang estudyanteng babae sa fourth year sa naturang paaralan.
Ayon sa salaysay ng biktimang itinago sa alyas na Rose, 14-anyos, una siyang hinalay ni Narit noong Agosto 8 ng taong kasalukuyan nang tawagin siya nito at sabihan siya na sumama rito upang pag-usapan kung bakit hindi siya makakapasa sa kan yang klase.
Sumama ang biktima sa kanyang teacher ngunit laking gulat nito ng ang pinuntahan pala nila ay isang hotel sa Marilao, Bulacan kung saan siya ay tinakot na ibabagsak sa kanyang mga subject kapag hindi ito nakipagtalik sa kanya.
Dahil sa takot, wala umanong nagawa si Rose sa kahalayan at pagsasamantalang ginagawa sa kanya ng kanyang guro.
Apat na beses pa umanong naulit ang panghahalay kay Rose sa iba’t-ibang lugar sa kanilang paaralan.
Dahil hindi na masikmura ng biktima ang ginagawa sa kanya ay napilitan na itong magsumbong sa kanyang kaklase na sinamahan siya sa kanilang class adviser na isinalaysay ang nangyari sa magulang ni Rose.
Nabatid din na sapilitang pinapainom ng Cortal tablets si Rose ng kanyang guro sa tuwing siya’y hahalayin nito.
Ayon kay Soliba, sinampahan na ng 5 counts ng rape si Narit na ngayo’y nakapiit sa loob ng Obando Municipal Jail.
- Latest
- Trending