Dentista nilikida
BATANGAS CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na dentista ng mga ‘di-pa nakikilalang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Pallocan West, Batangas City, Batangas kahapon.
Kinila ni P/Supt. Manuel Abu, police chief ng Batangas City, ang biktimang si Dr. Mario Remo, semi-retired dentist na may negosyong money lending at financing ng motorsiklo.
Sa police report, nagpanggap ang dalawang kalalaki han na kapwa naka-helmet na bibili ng nare-possess na motorsiklo sa biktima bandang alas-12:15 ng tanghali
Napag-alamang pinapa sok naman ng dentista ang dalawa sa kanyang compound para ipakita ang mga motorsiklo, subalit pinaputukan ito sa kanyang ulo at katawan.
Inaalam pa rin ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending