Stude inalok ng sex, propesor inaresto

CAVITE – Rehas na ba­kal ang binagsakan ng isang propesor ng De La Salle na nag-alok ng sex sa isang 17-anyos na estudyanteng ba­bae makaraang masa­kote ng pulisya sa entrapment operation sa Aguinaldo Highway sa Barangay Sali­tran 2, Dasmariñas, Cavite kaha­pon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Cavite police director, ang suspek na si Arnel Sanchez, propesor ng La Salle-Dasmariñas sa Cavite at residente ng Sum­merwind Ville sa nabanggit na bayan.

Ayon sa police report, ni­yaya ni Sanchez ang bikti­mang itinago sa pangalang “Joy” para magtalik upang ma­kapasa sa kanyang kur­so.

Sa salaysay ni Joy, nag­banta pa si Sanchez na iba­bagsak siya kapag tumanggi itong makipag-sex kaya ka­agad nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Mabilis na nagsagawa ng entrapment operation ang Ca­vite provincial police office laban kay Sanchez at na­aresto ito habang nasa loob ng kanyang Toyota van (REF 463) kasama ang biktima.

Lumitaw rin sa imbesti­gasyon na matagal ng isina­ma ng suspek ang estuda­yante para pumasok sa motel pero umatras lang ito ma­tapos manghinayang gu­mas­tos sa pambayad ng check-in.

Mariin namang itinanggi ni Sanchez ang akusasyon ng biktima. Cristina Tim­bang at Arnell Ozaeta 

Show comments