Lolang sexy ni-rape ng apo

Sa pag-aakalang ang seksing actress na si Ma­rian Rivera, ginahasa ng isang binata ang sarili nitong 60-anyos na lola sa loob ng kanilang taha­nan sa Brgy. Binalay, Ti­nam­bac, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.

Pormal naman kina­suhan ng pulisya ang sus­pek na itinago sa panga­lang Robert kung saan inireklamo ng matanda na nagpatago naman sa pa­ngalang Lola Lourdes.

Batay sa salaysay ng matanda sa pulisya na na­karating sa Camp Crame, naitala ang unang pang­hahalay laban sa biktima noong Mayo 12 ng gabi kung saan pinasok ang kuwarto ng matanda.

Matapos ang insidente ay maraming pagkakataon na pinagtangkaang halayin ang matanda ng bastos na apo kaya masakit man sa kaniya ay napilitan na siyang magreklamo sa himpilan ng pulisya.

Sa presinto, inamin ng suspek ang panghahalay sa kaniyang sariling lola sa katwirang lasing siya noon at ang tingin niya sa ma­tan­da ay ang nasabing aktres.

Show comments