^

Probinsiya

Dalaga ni-rape, ginilitan

-

LEGAZPI CITY, Albay — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 23-anyos na dalaga makaraang halayin ay ginilitan pa ng ‘di-kilalang lalaki sa bahagi ng niyugan sa Sitio Tambaga, Barangay San Rafael sa bayan ng Jose Panganiban, Cama­rines Nor­te kamakalawa. Bandang alas-7:50 ng gabi nang ma­tagpuan ng mga opisyal ng ba­rangay ang duguang ka­tawan ni Linda Rampas. Ayon sa police report, huling na­mataang buhay ang biktima ban­dang alas-5 ng hapon ha­bang naliligo sa batis may ilang metro lamang ang layo sa kabahayan. May teorya ang mga imbes­tigador na na­kilala ng bik­tima ang sus­pek kaya pina­tahimik. Ed Casulla

Rapist nagbigti sa selda

Pinaniniwalaang inusig ng budhi ang isang 36-anyos na ama na inireklamo ng panghahalay ng sariling anak na babae kaya nagbigti sa loob ng selda sa bayan ng Ternate, Cavite noong Martes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na preso na si Rolly Casilagan na natagpuang nakabigti sa detention cell ng Ternate municipal jail bandang alas-5 ng hapon. Batay sa report sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang suspek ay inaresto dakong ala-una ng hapon matapos itong ireklamo ng pang­gagahasa ng kanyang 15-anyos na anak. Maliban sa kasong rape ay  nahaharap din si Casilagan sa isa pang kaso ng frustrated homicide. Wala namang nakitang in­dikasyon ang mga forensic experts na may foul play sa pagkamatay ni Casilagan. Joy Cantos

2 ‘holdaper’ kalaboso

RIZAL – Arestado ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng holdap gang makaraang maaktuhan sa pot session sa isinagawang follow-up operation ng pulisya kamakalawa sa Barangay Malanday sa bayan ng San Mateo, Rizal. Kinilala  ni P/Supt. Ronaldo  Mendoza, hepe ng San  Mateo  PNP, ang mga suspek na sina  Kenneth  Reyes ng # 824 J. P. Rizal Street, Brgy.  Nangka, Mari­kina City  at isang  Alyas  Bandong ng Maria  Crisanta  Subd, Brgy. Malanday, San Mateo, Rizal. Base sa police report, nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya makaraang magreklamo ang biktimang si Danilo Bugni laban sa dalawang suspek. Gayon pa man, naaresto ang mga suspek matapos maaktuhang humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bahagi ng Maria Crisanta Subd. Edwin Balasa

‘Rapist’ ng 3 anak, tiklo

BULACAN – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 47-anyos na karpinterong ama makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong panghahalay sa kanyang tatlong anak na babae sa Brgy. Santa Elena, Hagonoy, Bulacan noong Linggo ng Oktubre 12. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Myrna Reyes, ang suspek na si Danilo Ragasa y Gueze. Base sa police report, mag­kakasunod ng hinalay ng suspek ang tatlong anak na may edad na 12, 16 at 21-anyos at pinagbantaang papatayin ang kanilang ina kapag ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente. Napag-alamang naglakas-loob ang mga biktima na ipaabot sa kinauukulan ang insidente kaya naaresto ang suspek. Dino Balabo at Boy Cruz

vuukle comment

BARANGAY MALANDAY

BARANGAY SAN RAFAEL

BOY CRUZ

BRGY

CAMP CRAME

CASILAGAN

DANILO BUGNI

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with