CAVITE – Anim na kabataan na pinaniniwalaang sumapi na sa grupo ng mga holdaper dahil sa kahirapan sa pamumuhay ang naaresto ng pulisya makaraang mangholdap sa pampasaherong jeepney sa bisinidad ng Barangay Burol Main sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa.
Ayon kay P/Supt Marcos Estrada Badilla, ang mga suspek ay isasailalim sa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pawang mga menor-de-edad at residente ng Quezon City at Brgy. Emmanuel sa nabanggit na bayan.
Narekober sa mga suspek, ang bag na naglalaman ng mga tinangay mula sa mga pasahero. (Cristina Timbang)