^

Probinsiya

Nautical student itinumba

-

CAMP CRAME — Binaril at napatay ang isang graduating nautical student ng mga ‘di pa kilalang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap kamakalawa ng madaling-araw sa panulukan ng P. Gullas at Mabini Street sa Brgy. Parian, Cebu City.

Ang biktimang nakatakda sanang magtapos sa kursong nautical engineering sa University of Visayas sa Miyerkules ay nakilalang si Junel Sumayang, 24, ng Villa Aurora Compound sa Brgy. Kasambagan, Borbon, Cebu City.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, papauwi na si Sumayang kasama ang kaibigang si Mizraim Olofernez Jr., 22, mula sa videoke bar nang hintuan ng kulay abong kotse na may plakang (TEZ-835). Agad na bumaba ang isang lalaki at binaril sa dibdib si Sumayang habang nakatakbo naman si Olofernes at nakapagkubli sa ‘di kalayuang boarding house ng kani­lang mga kaibigan. Naisugod pa sa Cebu City Medical Center ang biktima subalit nalagutan na ito ng hininga.

Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong alitan ng grupo ng biktima at ilang kabataan sa loob ng videoke bar na pinangalingan ng biktima. (Danilo Garcia)

BRGY

CAMP CRAME

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

DANILO GARCIA

JUNEL SUMAYANG

MABINI STREET

MIZRAIM OLOFERNEZ JR.

SUMAYANG

UNIVERSITY OF VISAYAS

VILLA AURORA COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with