^

Probinsiya

Ambush: 2 sundalo dedo

-

CAMP AGUINALDO – Dalawang sundalo ng 60th Infantry Battalion ng Phil. Army na maghahatid sana ng supply sa kanilang kabaro ang iniulat na nasawi makaraang tam­bangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Angelo, Brgy. Dagohoy sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte kahapon ng umaga. Gayon pa man, tumanggi muna si Major Armand Rico, regional Army spokesman na isa­publiko ang pangalan ng mga biktima dahil kailangan pang impor­mahan ang mga pamilya. – Joy Cantos

Trader todas sa holdaper

Binaril at napatay ang isang 49-anyos na negosyante ha­bang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang looban at hol­dapin ang isang fastfood chain sa Alunan Avenue sa Ko­ro­nadal City, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ng bala ng baril si Eddie Palacio, habang ginagamot naman ang sugatang misis nitong si Alicia, at ang kaibigang si Carolina Gato, kawani ng Department of Environment ang Na­tural Resources. Kinilala naman ni P/Senior Supt. Robert Kuini­sala, ang mga sus­pek na nasakote na sina Norme Lumangca at Jerry Bandon Can­se ng Pikit, North Cotabato. Narekober ang 2-celfon at P93,000 na ninakaw, subalit nakatakas ang isa pang suspek. – Joy Cantos

Flashflood: 5 mag-aaral patay

CAMP CRAME - Limang estudyante mula sa Abaca Primary School ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa ilog na­sakop ng Brgy. Tinuwayan sa bayan ng Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental noong Huwebes. Kabilang sa mga nalunod ay sina  Jesette Villajos, 9; Charlene Rebalde, 8; Mirasol Rebalde 8 at ang mag-utol na Rosemarie, 10 at  Mila Remunda, 9. Patuloy naman ang search and rescue operation para sa nawawalang si Ferly Caballero, 8. Batay sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Crame, ang mga biktima ay tumawid sa ilog  at dahil sa la­kas ng agos ng tubig-baha ay tinangay ang mga ito. Nailigtas naman sina  Mylene Villajos, Jocelyn Remunda, Jomar Abapo at Janelta Abapo.  – Joy Cantos

Nakawan ng bike, lumalala

CAMP CRAME – Naging talamak ang nakawan ng iba’t ibang uri ng motorsiklo kumpara sa iba pang uri ng kotse sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Cavite. Ito ang nabatid na ulat kahapon  mula sa Camp Crame, batay na rin sa talaan ng Highway Patrol Group (HPG)4-A na nakabase sa Cavite. Sa ulat ni P/Chief Inspector Allan Rubi Macapagal, pinakamababa na sa sampung motorsiklo kada linggo ang narerekober ng HPG. “Patunay lamang na mas mataas ang statistic ng mga nakaw na motorsiklo kumpara sa kaso ng mga nakaw na kotse, mas madaling maibenta ang bike kumpara sa mga kotse,” pahayag pa ni Macapagal. Kaug­nay nito, nanawagan si Macapagal sa mga biktima na  ipa-nationwide alarm ang kanilang nawalang sasakyan para mabilis na matunton at marekober.  – Joy Cantos

ABACA PRIMARY SCHOOL

ALUNAN AVENUE

BRGY

CAMP CRAME

CAROLINA GATO

CAVITE

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with