^

Probinsiya

4 katao utas sa MILF attack

-

Apat-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang muling umatake ang mga rebeldeng Moro Islmaic Liberation Front sa bayan ng Kalamnsig, Sultan Kudarat kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga napaslang na biktima ay sina Polinio Alberio, Reynan Cabarobias, Diosdado Cortado, Edgar Cortado, habang sugatan naman sina Joeyboy Bartolome, Jesusa Araniego at Danilo Gonzaga.

Ayon sa tagapagsalita ng regional Army na si Major Armand Rico, dakong alas-4 ng madaling-araw ng suma­lakay ang mga rebelde sa nabanggit na bayan at nadamay ang himpilan ng PPMG sa Brgy. Sangay. Nagawa namang makaganti ng putok ng nagdepensang mga element ng PPMG na ikinamatay ng isang rebeldeng MILF na bine­beripika pa ang pagkikilanlan.

Napag-alamang hinostage naman ng mga MILF rebs sina Brgy. Kagawad Luis Colao at Roel Suma na kapwa ginawang human shield laban sa mga tumutugis na tropa ng 64th Infantry Battalion ng Phil. Army. Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang tropa ng Army’s 601st Brigade kay Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu para sa pagtugis sa tumakas na mga rebelde. Joy Cantos at Boyet Jubelag

vuukle comment

BRGY

DANILO GONZAGA

DIOSDADO CORTADO

EDGAR CORTADO

INFANTRY BATTALION

JESUSA ARANIEGO

JOEYBOY BARTOLOME

JOY CANTOS

KAGAWAD LUIS COLAO

MAJOR ARMAND RICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with