^

Probinsiya

147 yrs. hatol sa piskal

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY – Isang government prosecutor na nakatalaga sa bayan ng Agoo sa La Union ang hi­natulan ng korte noong Bi­yernes na mabilanggo ng 147-taon dahil napatuna­yang nagkasala sa kasong large scale illegal recruitment, at estafa.  

Sa 59-pahinang desis­yon ni Presiding Judge Fer­nando Vil Pamintuan ng Baguio Regional Trial Court Branch 3, bukod sa pag­kabilang ng mahabang pa­nahon ay pinagbabayad ng P1.73 milyon ang aku­sa­dong si Atty. Catalino Pepi sa mga naging bik­tima.

Si Atty. Pepi na tumata­yong vice president ng Transcend Employmenmt Services ay napatunayan ng mababang korte na guilty sa kasong simple illegal recruitment, illegal recruitment in large-scale at 10-counts ng estafa sa 15-kasong isi­nampa ng 13-katao na pi­nangakuan ng trabaho su­balit hindi na­tuloy sa Holland, South Korea, Japan at Brunei noong 2002.

Sa record ng korte, hindi naman ikinaila ni Atty. Pepi, ang pagre-recruit sa 13 bik­ti­ma at ang pagbibigay ng re­sibo sa kanila na ka­tuna­yang nagbayad para ma­ging factory worker, farmers, technicians, welders at iba pang trabaho sa Ireland, Eng­land, Japan, South Korea at Taiwan.

Subalit iginiit ni Atty. Pepi na ang Transcend Employment Services ay may li­sensya na inisyu mula sa Maynila para mag-recruit at siya ay umaakto bi­lang agent and representative ng korporasyon bilang vice president.

Isinumite rin ng akusado kay Judge Pamintuan, ang desisyon ng korte sa San Fernando City, La Union na pinawalang-sala siya sa kahalintulad na kaso.

Ikinatwiran naman ni Judge Pamintuan na ang lisensya para mag-recruit ng Transcend ay ni-revoked kaya kailangang kumuha ng special recruitment authority mula sa POEA-Cordillera.

At dahil sa kakulangan ng lisensya para mag-recruit, hindi naipadala ang mga biktima sa ibang bansa kahit nagbayad ito sa na­sabing abogado.

“The man of law and officer of the court who is supposed to preserve and exact obedience of the law has become the breaker and the shaterer of the law,” dagdag pa ni Judge Pamintuan.

BAGUIO REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CATALINO PEPI

JUDGE PAMINTUAN

LA UNION

PEPI

PRESIDING JUDGE FER

SAN FERNANDO CITY

SHY

SI ATTY

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with