Umaabot sa anim katao ang nawawala habang may 400 namang pamilya ang apektado nang ma nalanta ang flashflood sa Wao, Lanao del Sur kahapon. Tumulong sa rescue operation ang militar at pulisya sa silangang bahagi ng Wao ng naturang lalawigan. Hindi pa mabatid ang pangalan ng mga nawawala habang isinusulat ito. (Joy Cantos)
2 recruiter timbog
LINGAYEN, Pangasinan – Dalawang babae na nakasuhan ng Illegal recruitment ang nadakip kamakalawa ng pulisya sa lalawigang ito sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng regional trial court dito. Kinilala ni Sr. Supt. Marvin Bolabola, Region 1 chief ng Criminal Investigation and Detection group ang mga suspek na sina Maria Mallare y Tamondong, 47, residente ng Umangan, Mangatarem, Pangasinan; at Angelina Villar y Pagarigan, 54, residente ng Barangay Buer, Aguilar, Pangasinan. Inireklamo sila ng isang Victor Lacuesta na nabigo nilang maipadala bilang seaman sa ibayong-dagat makaraang hingan nila ito ng P100,000 placement fee. (Myds Supnad)
Bagong laya dinedo?
Isang tricycle driver na si Alan Antonio na kakalaya lang pagkaraan ng apat na taong pagkakakulong sa Cabanatuan City District Jail dahil sa iligal na droga ang natagpuang patay sa gilid ng Maharlika Highway Pantoc 2, Barangay Daan Sarile, rito, noong Miyerkules ng gabi. (Christian Ryan Sta. Ana)
COA director inambus
Isang 54-anyos na director ng Commission on Audit sa Region 13 na si Romeo Coral Uy ang nasugatan nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalake sa may South Montilla Boulevard, Butuan City kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Butuan Doctors Hospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa hita. Idineklara ng mga duktor na nasa maayos na siyang kalagayan. (Joy Cantos)