^

Probinsiya

6 nawawala sa flashflood

-

Umaabot sa anim ka­tao ang nawawala ha­bang may 400 namang pamilya ang apektado nang ma­ na­lanta ang flashflood sa Wao, Lanao del Sur kaha­pon. Tumulong sa rescue operation ang militar at pu­lisya sa silangang bahagi ng Wao ng naturang la­lawigan. Hindi pa mabatid ang pangalan ng mga na­wawala habang isinusulat ito. (Joy Cantos)

2 recruiter timbog

LINGAYEN, Pangasinan – Dalawang babae na nakasuhan ng Illegal recruitment ang nadakip ka­makalawa ng pulisya sa lalawigang ito sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng regional trial court dito. Kinilala ni Sr. Supt. Marvin Bolabola, Region 1 chief ng Criminal Investigation and Detection group ang mga suspek na sina Maria Mallare y Ta­mon­dong, 47, resi­dente ng Umangan, Mangatarem, Pangasinan; at Angelina Villar y Pagarigan, 54, residente ng Ba­rangay Buer, Aguilar, Pangasinan. Inireklamo sila ng isang Victor Lacuesta na nabigo nilang maipadala bilang seaman sa ibayong-dagat makaraang hingan nila ito ng P100,000 placement fee. (Myds Supnad)

Bagong laya dinedo?

Isang tricycle driver na si Alan Antonio na kaka­laya lang pagkaraan ng apat na taong pagka­kaku­long sa Cabanatuan City District Jail dahil sa iligal na droga ang natagpuang patay sa gilid ng Ma­har­lika Highway Pantoc 2, Barangay Daan Sarile, rito, noong Miyerkules ng gabi. (Christian Ryan Sta. Ana)

COA director inambus

Isang 54-anyos na director ng Commission on Audit sa Region 13 na si Romeo Coral Uy ang na­su­gatan nang tambangan at pagbabarilin ng da­lawang nakamotorsiklong lalake sa may South Montilla Boulevard, Butuan City kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Butuan Doctors Hospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa hita. Idineklara ng mga duktor na nasa maayos na siyang kalagayan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALAN ANTONIO

ANGELINA VILLAR

BARANGAY DAAN SARILE

BUTUAN CITY

BUTUAN DOCTORS HOSPITAL

CABANATUAN CITY DISTRICT JAIL

CHRISTIAN RYAN STA

JOY CANTOS

PANGASINAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with