Koreanong diver hanap

Batangas – Isang 42-anyos na Koreanong master diver na si Yong Kwang Park ang napa­ulat na nawawala mula nang lumusong ito sa ka­ragatan ng Mabini sa lalawigang ito noong Martes ng hapon. Sinabi ng live-in partner ni Yong na si Fe Tolentino na hindi pa nakakabalik sa kanilang beach resort hanggang kahapon ang biktima. Nagtulung-tu­long na ang mga rescuer ng Coast Guard, bantay-dagat at kapwa divers para hanapin ang nawa­walang dayuhan. (Arnell Ozaeta)

Show comments