Koreanong diver hanap
October 11, 2008 | 12:00am
Batangas – Isang 42-anyos na Koreanong master diver na si Yong Kwang Park ang napaulat na nawawala mula nang lumusong ito sa karagatan ng Mabini sa lalawigang ito noong Martes ng hapon. Sinabi ng live-in partner ni Yong na si Fe Tolentino na hindi pa nakakabalik sa kanilang beach resort hanggang kahapon ang biktima. Nagtulung-tulong na ang mga rescuer ng Coast Guard, bantay-dagat at kapwa divers para hanapin ang nawawalang dayuhan. (Arnell Ozaeta)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest