Probe sa ex-Bise ng Batangas tuloy

Inatasan ng Court of Appeals ang Department of Justice na ituloy ang imbestigasyon sa kasong murder na kina­kaharap ni dating Ba­tangas Vice Governor Ricky Recto.

Bukod kay Recto, da­wit din sa kasong mur­der, frustrated murder at crimes involving destruction of property sina Atty. Christopher Belmonte, Bettina Bal­de­rama, Christina Antonio, 1Lt. Angelbert Gay, 2Lt. Aldrin Baldonado, at 1Lt. JG Kiram Sa­dava.

Kaugnay ito sa pag­papasabog sa sasak­yan ni dating Batangas Governor Armando San­chez dalawang taon na ang nakalilipas na ikinamatay ng kanyang driver na si Luisito Icaro at ni PO2 Erci Landicho na close-in security na­man ng dating gober­nador.

Kinuwestiyon ni Bel­monte ang pagpapa­tuloy ng DOJ sa pagdi­nig sa kaso dahil sakop na rin umano ito ng ka­song rebelyon na ka­nilang kinakaharap sa DOJ kaugnay ng sina­sabing nabigong pag­papabagsak sa gob­yerno noong Pebrero 2006.

Nilinaw naman ng CA na ang parehong kaso ay nasa preliminary investigation pa lamang at wala pa sa korte kaya may kapang­yarihan pa ang DOJ na ito ay dinggin.

Matatandaan na na­ganap ang insidente noong Hunyo 1, 2002 ha­ bang nakaparada sa Ba­tangas Provincial Ca­pitol Compound ang Hummer H-2 vehicle ni Sanchez nang bigla na lamang itong sumabog na kan­yang ikinasugat at ikina­matay naman ng dalawa niyang tauhan. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments