^

Probinsiya

Lolo pisak sa trak

-

LUCENA CITY -Napisak ang ulo, nabali ang braso at nagkasugat-sugat ang katawan ng isang 72-anyos na lolo makaraang mahagip ng trailer truck sa gilid ng kalyeng sakop ng Barangay Domoit, Lucena City, Quezon, kamakalawa ng umaga.Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pablo Rogel ng Calmar Subd. sa nabanggit na barangay. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si Ernesto Ludovice, 62, ng Isabela.Sa imbestigasyon ni PO2 Aldin Ranola, lumilitaw na nawalan ng panimbang ang biktima habang nagbibisekleta at tuluy-tuloy itong natumba sa gilid ng kalsada hanggang sa magulungan sa ulo at katawan ng trak (XDG-407) ni Ludovice. Tony Sandoval

Ex-pulis-Maynila itinumba

BATANGAS – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang retiradong pulis-Maynila ng tatlo-katao sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Cuenca, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Pendatun Usman, 56, tubong Basilan. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Demetrio at Felix Makalintal, magkapatid na bayaw ng biktima at isang alyas “Edwin”. Base sa police report, nakikipag-usap ang biktima sa ka­pa­milya sa harap ng kanilang bahay sa Barangay San Isidro nang lapitan at ratratin ng mga suspek. May teorya ang pulisya na agawan sa lupa ang isa sa naging motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta

AFP vs NPA: 200 pamilya lumikas

Umaabot sa 200 pamilya ang inilikas upang maiwasang madamay sa sagupaan ng militar at mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng mga Brgy. Katihan at Simulao sa bayan ng Boston, Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nabatid na ang mga nagsilikas ay kasalukuyang kinukupkop sa Poblacion sa bayan ng Boston matapos ang ilang linggong sagupaan ng militar at NPA rebs. Patuloy naman ang pamamahagi ng relief good ng lokal na pamahalaan sa mga na­ apek­tu­hang residente. Joy Cantos

Kinidnap na mag-asawa, pinalaya

CAMP CRAME - Pinalaya na ang mag-asawang trader sa bisinidad ng Brgy. Tatayawan sa bayan ng Tamparan, Lanao del Sur kamaka­lawa. Sa ulat ng Regional police office, Walang anumang naging ransom ang kalayaan ng mag-asawang Hadji Akmad Disoma at Hadja Racman Disoma matapos dukutin sa Marawi City kamakailan. Kasalukuyan nang nakikipag­koor­dinasyon ang pulisya sa mga kinauukulan para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga kidnaper. Joy Cantos

vuukle comment

ALDIN RANOLA

ARNELL OZAETA

BARANGAY DOMOIT

BARANGAY SAN ISIDRO

BATANGAS

BRGY

CALMAR SUBD

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with