^

Probinsiya

Navy intel officer itinumba

-

BATANGAS – Pinagba­baril hanggang sa mapatay ang isang 39-anyos na Navy intelligence officer ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bisi­nidad ng Sitio Carandang, Barangay Poblacion sa ba­yan ng Ro­sario, Ba­tangas noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang biktimang si Staff Sergeant Jovencio Lontoc ng Barangay Pag-Asa, Tay­san, Batangas, at ka­salu­kuyang nakadestino sa Navy Intelligence and Security Force ng  Philippine Navy sa Fort Boni­facio, Taguig City.

Sa police report, nami­mili ng pagkain sa hayop si Sgt. Lon­toc sa Jet Store sa na­bang­git na barangay nang lapitan at barilin ng tat­long beses sa dib­dib ng nag-iisang gunman ban­dang alas-4:30 ng hapon.

Isinugod pa ang biktima sa Sto. Rosario Hospital, pero ideneklarang patay ng mga doktor sa emergency room.

Sa salaysay ng mga saksi, naglakad lang ang gunman papalayo sa crime scene na animo’y walang nangyari.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung may kaug­nayan sa trabaho ng bik­tima ang motibo sa pama­maslang.

vuukle comment

BARANGAY PAG-ASA

BARANGAY POBLACION

BATANGAS

FORT BONI

JESUS GATCHALIAN

JET STORE

NAVY INTELLIGENCE AND SECURITY FORCE

PHILIPPINE NAVY

ROSARIO HOSPITAL

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with