KIDAPAWAN CITY – Niratrat at napatay ang isang pulis na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway sa Cotabato City, kahapon ng umaga.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ni SPO1 Bonifacio Sales, Jr.
Ayon kay P/Chief Supt. Willie Dangane, hepe ng Cotabato City PNP, sakay ng kulay itim na motorsiklo si Sales nang tambangan sa ha rap ng opisina ng pahayagang, The Mindanao Cross sa may Quezon Avenue.
Ayon sa ilang nakasaksi, kahit bumagsak na si Sales, isa sa mga suspek ang kumuha ng kanyang baril at pinaputukan ng ilang beses para tiyaking patay na ang kanilang target.
Base sa record ng pulisya, si Sales, ay nasangkot sa ilang kaso ng mga pagpatay ng mga notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom at drug pusher sa Cotabato City, ilang taon na ang nakalilipas.
Sa tala ng Cotabato City PNP, ang ama ni Sales ay napatay noong 2006 ng mga grupo ng kriminal na posibleng naka laban ng batang si Sales habang aktibo pa ito sa kanyang trabaho bilang CIDG agent sa nabanggit na lungsod. (Malu Manar)