^

Probinsiya

Obrero kinatay dahil sa celfon

-

LUCENA CITY – Pinaniniwalaang hini­ram na celfon na hindi kaagad na naibalik ang naging ugat ng kama­tayan ng isang obrero makaraang pagtulu­ngang tagain ng tat­long magkakapatid ka­makalawa ng gabi sa Purok Pagkakaisa, Ba­rangay Ibabang Iyam Lucena City, Quezon.

Nagmistulang kar­ne ng baboy ang kata­wan ni Rolando Taba­rina y Gayacao, 36, may-asawa, habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Randy Dawal, Ro­meo at Sydney Dawal.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Renato Pelo­bello, dakong alas-7 ng gabi nang puntahan ng mga suspek ang ba­hay ng biktima upang kunin ang hiniram na celfon.

Hindi naman ka­agad naibigay ng bik­tima ang celfon kaya na­galit ang mga sus­pek at naghamunan ng suntukan.

Mabilis na tinungo ng biktima ang kusina ng kanilang bahay at kumuha ng gulok saka lumabas upang hara­pin ang magkakapatid habang nakamasid la­mang ang ilang kapit­bahay.

Hindi pa man naka­kaporma ay agad nang pinagtataga ng mga suspek ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

Mabilis namang na­isugod ang biktima sa Lucena United Doctors Hospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga, habang tu­makas ang mga sus­pek. (Tony Sandoval)

vuukle comment

IBABANG IYAM LUCENA CITY

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

MABILIS

PUROK PAGKAKAISA

RANDY DAWAL

RENATO PELO

ROLANDO TABA

SHY

SYDNEY DAWAL

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with