Sumukong NPA kumander itinumba

Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang kumander ng mga rebeldeng New People’s Army na nag­balik-loob sa pamaha­laan ng mga armadong kalalakihan sa bisi­nidad ng Sitio Likda, Brgy. Simbalon sa ba­yan ng Buenavista, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Major Ar­mand Rico, regional Army spokesman, ang pinaslang na opisyal ng NPA na si  Felipe Limbaro, alyas Ku­man­­der  Royal, 43.

Ba­tay sa ulat na naka­rating sa Camp Agui­naldo, na bumibisita sa kaniyang bukirin ang biktima nang harangin at ratratin ng mga ar­madong kalalakihan na pinaniniwalaang mga dating kasama­hang rebelde. (Joy Cantos)

Show comments