Away negosyo: 2 Koreano, 1 pa todas

Pinaslang muna ang ka-live-in ng ka­sosyong Koreano at manager sa restaurant bago nag-suicide ang isang nag-amok na ne­gosyanteng Koreano kahapon ng umaga sa Barangay Pusok, La­pu-Lapu City, Cebu.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Mariano Natuel, provincial police director, ang mga nasawing mga biktima na sina  Kim Gil Bo, 47, ka-live-in ni Kong Young Dae, 59, na nakaligtas sa insidente at Joel Molo, manager sa Blue Marlin Restaurant.

Nagbaril sa sarili at napatay si Yoo Sek Woo, 61 matapos ma­patay ang dalawa.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Natuel na naganap ang insidente sa loob ng restaurant malapit sa 2nd Bridge ng Mactan-Mandaue sa nabanggit na brgy. dakong alas-8:45 ng umaga.

Ayon kay Natuel, biglang nag-amok si Woo gamit ang cal. 45 na may silencer at pi­nuntirya ang mga bik­tima.

Masuwerte namang nakaligtas si Dae sa pamamaril ng kasosyo sa negosyo matapos na makapagkubli.

Ilang saglit pa ma­tapos na pagbabarilin ay tinangkang sunu­ gin ni Woo ang restaurant saka nagbaril sa sarili.

Napag-alamang wala pang tao sa restaurant at maging ang mga cashier at waiter ay hindi pa dumarating nang mag-amok si Woo, ayon pa kay Na­tuel.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, alitan sa ne­gosyo ang isa sa mo­tibo ng krimen dahil nagwala si Woo ma­tapos na mabatid na patatalsikin na siya sa kanilang negosyo ni Dae.

Show comments